Sa isang tao, hindi mawawala ang pangarap na sumikat. Mapasports, pagarte, pagsayaw, pagkanta at kung anu-ano pa. Gusto kasi ng ibang tao na maramdaman ang sarap ng buhay. Ngunit talaga bang matatawag mong masarap ang buhay ng isang sikat?
Advantages ng pagiging sikat:
- Kilala ka ng lahat
- Idolo ka ng marami
- Lalapitan ka ng produksyon
- Bibigyan ka ng maraming projects
- Pera
- Pera
- Pera
- Dadami ang kaibigan mo
- May mga alalay ka
- Mag mga magpoprotekta sa’yo
- Pera
Masarap nga maging sikat ngunit mayroon itong mga kapalit.
Disadvantages ng pagiging sikat:
- Haters
- Tsismis
- Wala kang pahinga
- Bilang ang iyong tunay na kaibigan
- Laging nasa panganib ang buhay mo
- Hindi ka naman masyadong makakalabas ng bahay
- Bantay sarado ka 24 oras
- Isang kamalian mo maaring ikasira ng reputasyon mo
- Laging may issue
- WALA KANG PRIVACY
Inaamin ko na minsan, nnanais kong sumikat ngunit naiisip ko lamang na mas mahirap pa ang kanilang buhay na tinatahak kaysa ang buhay ng isang katamtamang tao. Maaring halos nasa kanila na ang lahat pero wala naman ang kaligayahan.
Ikaw, gusto mo pa bang sumikat?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento