Lunes, Agosto 8, 2011

EMOTIONAL HEIMLICH


Ibagay natin ang topic sa panahon. Masarap magkaron ng kayakap, lalo’t ganito ang panahon. Malamig. Hinding hindi maaring mawala ang yakap sa isang tao. Kailangan sa tao ang mayakap kahit isang beses lang. Kumbaga esensyal rin ito sa buhay natin, parang tubig, hangin, pagkain, bahay at damit. At hindi tulad ng halik, ang pagyakap ay pwede sa lahat. 
May iba’t ibang uri ng pagyakap. Ang mga ito ay:
  • Me hug - Kadalasang ginagawa natin ito kapag malamig. Ibinabalot natin ang ating mga braso sa ating sarili upang makaramdam ng init.
  • Hand-hug - Simpleng pakikipagkamay.
  • Side-to-side hug - Tinatawag ring “buddy hug”. Ito ay ang “akbay”
  • Back hugs - Galing sa likod ang iyong pagyakap. Ipinaparating na ika’y laging nasa likod lamang niya; Nagbibigay ng feeling of security.
  • Custom-tailored hug - Ang karaniwang uri ng pagyakap.
  • Bear hug - Isang full body hug. Dapat ay magkadikit ang katawan ng dalawang taong magkayakap.
  • Lift-twirl hug - Isang uri ng yakap kung saan binubuhat ang isa sa magkayakap.
  • Man hug - Ito ‘yung tipikal na batian ng mga kalalakihan kung saan magkakamayan at sabay mag babanggaan ng balikat o dibdib. 
Mayroon ding health benefits ang pagyakap. Nakatutulog din ito sa kalusugan ng isang tao. Ito ang aking nadiskubre:
  • Nakabubuti ito para sa puso - Hindi ito ‘yung piguratibang puso. Nagiincrease kasi ng oxytocin ang yakap at binabawasan nito ang cortisol na nagsasanhi ng stress sa isang tao.
  • Nakalma ito - Isang natural na pampakalma ang pagyakap. Bumabagal ng 5 - 10 tibok ang taong nagyayakapan kumpara sa mga taong hindi nakikipagyakap.
  • Nakabubuti ito sa blood pressure - Nakakabawas ng bp ang pagyakap. Nakabubuti ito sa mga taong may hypertension.
  • It stimulates the nervous system - Ang pagyakap ay nakakapagdagdag ng nervous system stimulation. Karaniwang ginagamit ng ilang mga propesyonal ang pagyakap bilang isang uri ng therapy.
  • Nakakagaan sa pakiramdam - Kapag ika’y niyayakap, ang utak mo ay nagrerelease ng dopamine, isang brain chemical na nagbibigay ng “high” o “feel-good” feeling.
Personally, mahilig ako sa hugs. Gustong gusto ko ‘yung niyayakap ako o ako ‘yung nangaakap. Nakakarelax at nakakapagpawala kasi ng lahat ng emotional trouble, lalo’t isa akong college student. Ang simpleng pagyakap ay nagbibigay ng init hindi lang sa ating katawan, kundi pati na rin sa ating puso.
Kaya ano pa hinihintay mo? Hug mo na ko! :D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento