Ngayong panahon, napakaraming out-of-school youths ang hindi na nabibigyan ng pag-asa na muli pang makapag-aral. Ang karamihan ay tumitigil sa antas pa lamang ng elementarya o hayskul. Ito ang posibleng dahilan sa pagdami ng mga taong unemployed at mga nagbibilang na lamang ng poste.
Bakit nga ba sila tumitigil?
Ang pangunahing katanungang naubuo sa ating isipan. Napakaraming maaring sanhi nito ngunit, heto ang mga kadalasang kadahilanan:
- Poverty
- Child labor / early job opportunities
- Teenage pregnancy
- Handicap / Handicapped
- Drop out
Kadalasan mga magulang ang may pasya nito, ngunit mayroon ding mga iba na sila mismo ang gumagawa ng desisyon. Naisin man nilang bumalik sa eskwelahan, nangunguna at nangingibabaw pa rin ang hiya nila, sapagkat hindi na angkop ang kanilang edad upang makipagsabayan sa mga regular na mag-aaral.
Ito'y ginawan ng solusyon ng Department of Education (DepEd) at ito ay ang Alternative Learning System Accreditation and Equivalency Program (ALS A&E). Sa programang ito, sa loob ng humigit kumulang isang taon ay maari ka nang macredit na nakapagtapos ng elementarya o hayskul at maari ka nang makapagpatuloy sa kolehiyo o kaya'y makahanap na ng matinong trabaho. Isang patunay lamang na matagumpay ito ay mismong mula sa ating pambansang kamao, si Manny "Pacman" Pacquiao.
Dahil dito, nabigyan rin ng ikalawang pagkakataon at panibagong pag-asa ang mga out-of-school youths na muling pumasok sa paaralan at matuto.
Sa tulong ng aking ina at ang mga alumni ng Marick Elementary School Batch '80, at ng ilang mga taong mabubuti ang loob na nagboluntaryo, naisagawa ang proyektong ALS A&E sa lugar ng Cainta at nabigyan ng panibagong pag-asa at pangarap ang mga kabataang hindi na nabiyayaan ng wastong edukasyon. Sila'y nag motorcade at namigay ng flyers sa kabuoan ng Cainta, Rizal at pinalad naman na makakuha ng mga nagpatala na umaasa pa ring mabigyan ng pangalawang pagkakataon.
Matapos ang matagumpay na motorcade, nagsagawa muli sila ng pagtatala sa Mababang Paaralan ng Marick noong ika-18 ng Hunyo ng taong kasalukuyan. Ang kanilang mga napuntahan sa motorcade ay siya ring nagpunta upang magkaroon ng opisyal na rehistrasyon.
Binuksan na ang pinto ng pag-asa para sa mga kabataan nabigyan ng pangalawang pagkakataon noong ika-21 ng Hunyo ng taong kasalukuyan. Nag sagawa ng Functional Literacy Test (FLT) na kung saan ito ang magsisilbing batayan upang malaman ang antas ng kanilang pag-aaral.
Sa opisyal na pagsisimula ng klase, sila'y tinuruang sumulat at bumo ng isang talata ng kanilang talambuhay at talata na sagot sa katanungang "Ano ang maidudulot ng masama at mabuting pakikipagbarkada?" Ramdam mo sa kanila ang tuwa at pag-asa na muling maisakatuparan ang mithiing maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Lubos ang paghanga ko sa kanila. Sila ang isang magandang ehemplo ng pagbibigay kahalagahan sa edukasyon. Sila rin ang patunay na hindi batayan ang edad o antas ng pamumuhay kung gusto mong matuto. Sana'y pagbutihin niyo ang binigay sa inyong pangalawang pagkakataon. Goodluck and God bless sa inyo Section Hope.