Ang jejemon naman ay hindi lamang sa mga taong ~gn2 mgthYp~, o di kaya’y yung mga nagpipilit na emo o hiphop. Dahil nga ang salitang jejemon e nagmula sa jologs.
Ang tanong. Ang mga tinatawag bang mga “social climbers” ay maari ding maconsider as jejemon?
Unang una sa lahat, ano nga ba ang social climber?
Sila ‘yung mga taong nagpipilit na magpaimpress o di kaya’y nagttrying hard na magpasosyal upang matawag lamang na “rich”. Gusto kasi nilang maipakita sa taong kilala nila or sa iba na miyembro sila ng isang high-class society or sila’y mga sosyal.
Ngunit sa kaka-attempt nila e, nagffail lang at lumalabas nga na sila’y trying-hard lamang.
Mayroon ding iba’t ibang uri ang mga social climbers eto kadalasan ang mga tipikal na social climbers:
- Feel-Am - ‘Yung mga feeling American. ‘Yung mga taong sinasabi nilang nalimutan na nilang magTagalog dahil ang tagal na daw na nilang nawala sa Pilipinas. Ngunit nagbakasyon lang naman for 1-7 years. Ni mga wala pa ngang accent.
- Facebook and Twitter updaters - Sila ‘yung mga kadalasang nakakainis na tao sa facebook or sa twitter dahil kadalasan nilang status or tweet ay - “Oh my god I am craving for *insert mamahaling food here*” or “Here at *insert place here*” - Seriously, kailangan ba talagang i-broadcast yan at nang masabi sa’yong can afford ka?
- Techie-kuno - ‘Yung mga taong ipapangalandakan na may gadget sila. Like imemention pa talaga ‘yung model ng phone instead na sabihin na lang na cellphone. So what naman kung ganyan ang phone mo? Alam mo ba gamitin? Tss.
- Engliserong bisaya - ‘Yung mga feel na feel nila ang pageenglish nila, mali-mali naman at jusko, may accent pang bisaya.
- Branded - ‘Yung mga taong pinagmamalaki nila na afford nila ang mga branded na damit. So what? Damit lang naman ‘yan. Nasa pagdadala kasi yan. Kahit anong mahal ng damit mo, kung di naman bagay sa’yo mukha pa rin ‘yang chipipay.
- Photografeel - ‘Yung mga feeling photographer at mga nakadisplay pa ang mga SLR nila. Akala mo naman maganda tignan. Tas ang mga kukunan mga pagkain sa Tokyo Tokyo, mga walang saysay na pics, sabay upload sa facebook at tatawagin na nilang “Photography”.
- Starbuko - ‘Yung mga tambay ng starbucks na pakape kape tas kukunan pa ng picture ang kape at ipagmamalaki sa Facebook.
- Conyokuno - ‘Yung mga tumataglish pa at saksakan ng arte ngunit di naman bagay.
Kadalasan sila rin ang mga may galit or inis sa mga jejemon pero hindi nila napapansin na isa rin sila sa mga makabagong uri ng mga jejemon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento