Naranasan mo na bang mahawak o mahipuan sa isang pampublikong lugar o di kaya’y kapag ikaw ay nakasakay sa isang pampublikong sasakyan? Kung oo, ikaw ay nantiyansingan.
Ano ang tiyansing?
Ang tiyansing ay ang pasimple o patagong paghawak, paghipo o pagdikit ng kung ano mang parte ng katawan ng isang lalaki/babae sa katabi/kasama niyang lalaki/babae. Kadalasan nagaganap ang pagtiyansing sa mga pampublikong lugar tulad ng malls, schools, offices o sa mga pampublikong sasakyan tulad ng Jeep, FX, Bus, MRT/LRT. Ang pagtiyansing ay isang uri ng sexual harassment.
Sino ba ang mga nabibiktima nito?
Kadalasan ay kababaihan ang nabibiktima ng pagtiyansing ngunit may mga sirkumstansya din na ang mga kalalakihan ay nabibiktima din ng pagtiyansing.
Bakit ba may pagtiyansing?
Una sa lahat, kadalasan ang mga lalaki ang gumagawa nito, at ang simula ng arousal sa kalalakihan ay sa mga mata. Kaya nagkakaroon ng arousal ang lalaki sa panonood ng porn. Anong konekta nito sa pagtiyansing? Simple, dahil naakit ang mga kalalakihan sa kanilang mga nakikita, hindi nila maiiwasang magpantasya. At kalaunan, ang pagpapantasyang iyon ay magtutungo na sa pasimpleng paghawak o hipo na tinatawag na pagtiyansing.
Ngunit kadalasan, ang mga kababaihan rin naman ang mga pasimuno nito. Nagpapasimuno sila sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga maiikling damit o ‘yung mga damit na daringo revealing.
Pano malalaman ang pagtiyansing?
- Kung uneasy na ang pakiramdam ng paghawak sa iyo. (May kasama nang paghimas sa braso, iba na ang hawak ng kamay, may kasama nang pagnanasa)
- Kung may nararamdaman kang kamay sa iyong puwitan, baiwang, hita, dibdib at sa maselang bahagi ng iyong katawan. (Kapag nasa pampublikong lugar/sasakyan)
- Kung may sumisiksik sa’yo kahit may kaluwagan naman ang ibang pwesto.
- Kung may nararamdaman kang gumagalaw na kamay/daliri sa kahit anong parte ng iyong katawan.
- Kung ang akbay sa iyo ay pababa na ng baiwang.
- Kung medyo madikit na ang yakap sa iyo.
- Kung may kumikiskis na kung anuman sa iyong dibdib, hita, puwitan.
- Kung may dumidikit sa iyong puwitan o hita.
- Kung may napahawak sa kung anumang parte ng katawan mo at matagal niya itong pinanatili bago tanggalin.
Pano ba maiiwasan ang pagtiyansing?
- Huwag makipagsiksikan.
- Umiwas sa mataong lugar.
- Huwag sumakay sa mga matataong sasakyan o ‘yung mga sasakyang tayuan na sa sobrang puno.
- Iwasang mag suot ng damit na maiiksi/malaswa/nagpapakita ng sobrang balat.
- Maging mapagmasid.
- Maging aware sa paligid.
- Iwasang tumabi sa mga taong kahinahinala.
- Iwasang makipagsiksikan sa mga kalalakihan.
- Kung mayroon kang dala, gamitin ito na pangharang o pantakip.
Anong gagawin kapag nararamdaman mong ika’y natiyansingan?
- Lumayo.
- Komprontahin ang tao.
- Ipahiya ito.
- At kung maari, saktan/ipahiya ito.
Ngayon, hindi na mawawala ang mga pangyayaring ganito, ngunit ITO’Y PWEDENG IWASAN. Hindi naman magkakaroon ng ganong mga tao o gawain kung wala ring pasimuno o temptasiyon upang gawin ito hindi ba?
Palaging tandaan, maging mapagmasid, maingat at aware sa iyong paligid at matutong makiramdam.