Martes, Hunyo 28, 2011

APPLE PRODUCTS AT DLSR: ANG BAGONG STARBUCKS?

Simula nang kumalat ang Starbucks coffee sa Pilipinas, napakaraming nahumaling dito at di nagtagal na naturingang isang status symbol dahil sa presyo nito. Isang baso ay nagkakahalaga ng isang daang piso depende ang kamahalan nito sa laki. Kaya ito’y naging status symbol sapagkat ang mga kadalasang nakabibili nito ay ‘yung mga may-kaya o mayayaman. Ang lugar din nito ay kadalasang nagiging tambayan ng mga tao, dahil sa dating at hitsura nito. Kaya kadalasan ito’y nagiging pugad ng iba’t ibang tao. Mga mayayaman, may-kaya at ang mga iba, pa-sosyal.
Lumipas ang taon at nadagdagan na ang tinatawag na status symbol ng mga tao. Dumating kasi ang mga tinatawag na Apple products at nauso ang photography. Sila na ang naging bagong Starbucks na kinahuhumalingan ng mga tao at ipinagyayabang ng mga pa-sosyal.
Ngayon makikita mo ang mga tao na may dala-dalang tinatawag na iPhone, iPod at iPad. Sa bawat sulok ng isang mall, hindi ka maaring hindi makakita ng isa o dalawang taong may kinakalikot o dinudutdot sa kanilang cellphone na touch-screen o kaya’y may nakasuksok na earphones sa kanilang tenga. Ang iCraze na ito ay ngayon naging status symbol sa karamihan dahil muli, may kamahalan ang mga ganitong klaseng mga produkto. At ang mga tinatawag na social climbers ay kadalasang galaw nang galaw sa mga kanilang iPod, iPad, at iPhone upang maidisplay ito at maipakita sa ibang tao nang sila ay “kainggitan.”
Nadagdagan nanaman ito nang kumalat ang facebook at mga photoblogs. Ngayon ang mga tao ay nahumaling sa tinatawag nilang “photography” kaya lumakas ang bentahan at naging laganap ang mga tinatawag na DSLR cameras. May kamahalan din ito kaya naturingang isang status symbol ng iba. Ang mga kadalasang gumagamit nito ay ang mga photographer at ang mga may passion at interes sa photography. Ngunit ngayon, ang mga social climbers ay nagpipilit na maging photographer kahit hindi naman marunong humawak ng ganitong uri ng camera. Kadalasan ginagawa pa nila itong “bling-bling” o panabit sa leeg upang maipakita na mayroon silang camera. Ngunit kapag kumukuha naman ng mga litrato ay kadalasan hindi mo naman matatawag na “art” dahil kadalasan ay wala namang saysay, dahil hindi naman nila talaga alam ang tamang pag gamit at ang tinatawag na “art” sa photography.
Ano naman kaya sa susunod ang mga produktong maaring maging kahumalingan ng mga tao at maari nanamang maging bagong “Starbucks?”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento