Martes, Hunyo 28, 2011

Alternative Learning System Accreditation and Equivalency (ALS A&E)

Ngayong panahon, napakaraming out-of-school youths ang hindi na nabibigyan ng pag-asa na muli pang makapag-aral. Ang karamihan ay tumitigil sa antas pa lamang ng elementarya o hayskul. Ito ang posibleng dahilan sa pagdami ng mga taong unemployed at mga nagbibilang na lamang ng poste.

Bakit nga ba sila tumitigil?

Ang pangunahing katanungang naubuo sa ating isipan. Napakaraming maaring sanhi nito ngunit, heto ang mga kadalasang kadahilanan:

  1. Poverty
  2. Child labor / early job opportunities
  3. Teenage pregnancy
  4. Handicap / Handicapped
  5. Drop out
Kadalasan mga magulang ang may pasya nito, ngunit mayroon ding mga iba na sila mismo ang gumagawa ng desisyon. Naisin man nilang bumalik sa eskwelahan, nangunguna at nangingibabaw pa rin ang hiya nila, sapagkat hindi na angkop ang kanilang edad upang makipagsabayan sa mga regular na mag-aaral.

Ito'y ginawan ng solusyon ng Department of Education (DepEd) at ito ay ang Alternative Learning System Accreditation and Equivalency Program (ALS A&E). Sa programang ito, sa loob ng humigit kumulang isang taon ay maari ka nang macredit na nakapagtapos ng elementarya o hayskul at maari ka nang makapagpatuloy sa kolehiyo o kaya'y makahanap na ng matinong trabaho. Isang patunay lamang na matagumpay ito ay mismong mula sa ating pambansang kamao, si Manny "Pacman" Pacquiao.


Dahil dito, nabigyan rin ng ikalawang pagkakataon at panibagong pag-asa ang mga out-of-school youths na muling pumasok sa paaralan at matuto. 

Sa tulong ng aking ina at ang mga alumni ng Marick Elementary School Batch '80, at ng ilang mga taong mabubuti ang loob na nagboluntaryo, naisagawa ang proyektong ALS A&E sa lugar ng Cainta at nabigyan ng panibagong pag-asa at pangarap ang mga kabataang hindi na nabiyayaan ng wastong edukasyon. Sila'y nag motorcade at namigay ng flyers sa kabuoan ng Cainta, Rizal at pinalad naman na makakuha ng mga nagpatala na umaasa pa ring mabigyan ng pangalawang pagkakataon.














Matapos ang matagumpay na motorcade, nagsagawa muli sila ng pagtatala sa Mababang Paaralan ng Marick noong ika-18 ng Hunyo ng taong kasalukuyan. Ang kanilang mga napuntahan sa motorcade ay siya ring nagpunta upang magkaroon ng opisyal na rehistrasyon.










Binuksan na ang pinto ng pag-asa para sa mga kabataan nabigyan ng pangalawang pagkakataon noong ika-21 ng Hunyo ng taong kasalukuyan. Nag sagawa ng Functional Literacy Test (FLT) na kung saan ito ang magsisilbing batayan upang malaman ang antas ng kanilang pag-aaral.




Sa opisyal na pagsisimula ng klase, sila'y tinuruang sumulat at bumo ng isang talata ng kanilang talambuhay at talata na sagot sa katanungang "Ano ang maidudulot ng masama at mabuting pakikipagbarkada?" Ramdam mo sa kanila ang tuwa at pag-asa na muling maisakatuparan ang mithiing maipagpatuloy ang  kanilang pag-aaral.





Lubos ang paghanga ko sa kanila. Sila ang isang magandang ehemplo ng pagbibigay kahalagahan sa edukasyon. Sila rin ang patunay na hindi batayan ang edad o antas ng pamumuhay kung gusto mong matuto. Sana'y pagbutihin niyo ang binigay sa inyong pangalawang pagkakataon. Goodluck and God bless sa inyo Section Hope.


Social Climbers: Isang uri ng jejemon?

Ang jejemon naman ay hindi lamang sa mga taong ~gn2 mgthYp~, o di kaya’y yung mga nagpipilit na emo o hiphop. Dahil nga ang salitang jejemon e nagmula sa jologs.
Ang tanong. Ang mga tinatawag bang mga “social climbers” ay maari ding maconsider as jejemon?
Unang una sa lahat, ano nga ba ang social climber? 
Sila ‘yung mga taong nagpipilit na magpaimpress o di kaya’y nagttrying hard na magpasosyal upang matawag lamang na “rich”. Gusto kasi nilang maipakita sa taong kilala nila or sa iba na miyembro sila ng isang high-class society or sila’y mga sosyal.
Ngunit sa kaka-attempt nila e, nagffail lang at lumalabas nga na sila’y trying-hard lamang.
Mayroon ding iba’t ibang uri ang mga social climbers eto kadalasan ang mga tipikal na social climbers:
  • Feel-Am - ‘Yung mga feeling American. ‘Yung mga taong sinasabi nilang nalimutan na nilang magTagalog dahil ang tagal na daw na nilang nawala sa Pilipinas. Ngunit nagbakasyon lang naman for 1-7 years. Ni mga wala pa ngang accent.
  • Facebook and Twitter updaters - Sila ‘yung mga kadalasang nakakainis na tao sa facebook or sa twitter dahil kadalasan nilang status or tweet ay - “Oh my god I am craving for *insert mamahaling food here*” or “Here at *insert place here*” - Seriously, kailangan ba talagang i-broadcast yan at nang masabi sa’yong can afford ka?
  • Techie-kuno - ‘Yung mga taong ipapangalandakan na may gadget sila. Like imemention pa talaga ‘yung model ng phone instead na sabihin na lang na cellphone. So what naman kung ganyan ang phone mo? Alam mo ba gamitin? Tss.
  • Engliserong bisaya - ‘Yung mga feel na feel nila ang pageenglish nila, mali-mali naman at jusko, may accent pang bisaya. 
  • Branded - ‘Yung mga taong pinagmamalaki nila na afford nila ang mga branded na damit. So what? Damit lang naman ‘yan. Nasa pagdadala kasi yan. Kahit anong mahal ng damit mo, kung di naman bagay sa’yo mukha pa rin ‘yang chipipay.
  • Photografeel - ‘Yung mga feeling photographer at mga nakadisplay pa ang mga SLR nila. Akala mo naman maganda tignan. Tas ang mga kukunan mga pagkain sa Tokyo Tokyo, mga walang saysay na pics, sabay upload sa facebook at tatawagin na nilang “Photography”. 
  • Starbuko - ‘Yung mga tambay ng starbucks na pakape kape tas kukunan pa ng picture ang kape at ipagmamalaki sa Facebook.
  • Conyokuno - ‘Yung mga tumataglish pa at saksakan ng arte ngunit di naman bagay.
Kadalasan sila rin ang mga may galit or inis sa mga jejemon pero hindi nila napapansin na isa rin sila sa mga makabagong uri ng mga jejemon.

APPLE PRODUCTS AT DLSR: ANG BAGONG STARBUCKS?

Simula nang kumalat ang Starbucks coffee sa Pilipinas, napakaraming nahumaling dito at di nagtagal na naturingang isang status symbol dahil sa presyo nito. Isang baso ay nagkakahalaga ng isang daang piso depende ang kamahalan nito sa laki. Kaya ito’y naging status symbol sapagkat ang mga kadalasang nakabibili nito ay ‘yung mga may-kaya o mayayaman. Ang lugar din nito ay kadalasang nagiging tambayan ng mga tao, dahil sa dating at hitsura nito. Kaya kadalasan ito’y nagiging pugad ng iba’t ibang tao. Mga mayayaman, may-kaya at ang mga iba, pa-sosyal.
Lumipas ang taon at nadagdagan na ang tinatawag na status symbol ng mga tao. Dumating kasi ang mga tinatawag na Apple products at nauso ang photography. Sila na ang naging bagong Starbucks na kinahuhumalingan ng mga tao at ipinagyayabang ng mga pa-sosyal.
Ngayon makikita mo ang mga tao na may dala-dalang tinatawag na iPhone, iPod at iPad. Sa bawat sulok ng isang mall, hindi ka maaring hindi makakita ng isa o dalawang taong may kinakalikot o dinudutdot sa kanilang cellphone na touch-screen o kaya’y may nakasuksok na earphones sa kanilang tenga. Ang iCraze na ito ay ngayon naging status symbol sa karamihan dahil muli, may kamahalan ang mga ganitong klaseng mga produkto. At ang mga tinatawag na social climbers ay kadalasang galaw nang galaw sa mga kanilang iPod, iPad, at iPhone upang maidisplay ito at maipakita sa ibang tao nang sila ay “kainggitan.”
Nadagdagan nanaman ito nang kumalat ang facebook at mga photoblogs. Ngayon ang mga tao ay nahumaling sa tinatawag nilang “photography” kaya lumakas ang bentahan at naging laganap ang mga tinatawag na DSLR cameras. May kamahalan din ito kaya naturingang isang status symbol ng iba. Ang mga kadalasang gumagamit nito ay ang mga photographer at ang mga may passion at interes sa photography. Ngunit ngayon, ang mga social climbers ay nagpipilit na maging photographer kahit hindi naman marunong humawak ng ganitong uri ng camera. Kadalasan ginagawa pa nila itong “bling-bling” o panabit sa leeg upang maipakita na mayroon silang camera. Ngunit kapag kumukuha naman ng mga litrato ay kadalasan hindi mo naman matatawag na “art” dahil kadalasan ay wala namang saysay, dahil hindi naman nila talaga alam ang tamang pag gamit at ang tinatawag na “art” sa photography.
Ano naman kaya sa susunod ang mga produktong maaring maging kahumalingan ng mga tao at maari nanamang maging bagong “Starbucks?”

TIYANSING

Naranasan mo na bang mahawak o mahipuan sa isang pampublikong lugar o di kaya’y kapag ikaw ay nakasakay sa isang pampublikong sasakyan? Kung oo, ikaw ay nantiyansingan.
Ano ang tiyansing?
Ang tiyansing ay ang pasimple o patagong paghawak, paghipo o pagdikit ng kung ano mang parte ng katawan ng isang lalaki/babae sa katabi/kasama niyang lalaki/babae. Kadalasan nagaganap ang pagtiyansing sa mga pampublikong lugar tulad ng malls, schools, offices o sa mga pampublikong sasakyan tulad ng Jeep, FX, Bus, MRT/LRT. Ang pagtiyansing ay isang uri ng sexual harassment.
Sino ba ang mga nabibiktima nito?
Kadalasan ay kababaihan ang nabibiktima ng pagtiyansing ngunit may mga sirkumstansya din na ang mga kalalakihan ay nabibiktima din ng pagtiyansing.
Bakit ba may pagtiyansing?
Una sa lahat, kadalasan ang mga lalaki ang gumagawa nito, at ang simula ng arousal sa kalalakihan ay sa mga mata. Kaya nagkakaroon ng arousal ang lalaki sa panonood ng porn. Anong konekta nito sa pagtiyansing? Simple, dahil naakit ang mga kalalakihan sa kanilang mga nakikita, hindi nila maiiwasang magpantasya. At kalaunan, ang pagpapantasyang iyon ay magtutungo na sa pasimpleng paghawak o hipo na tinatawag na pagtiyansing.
Ngunit kadalasan, ang mga kababaihan rin naman ang mga pasimuno nito. Nagpapasimuno sila sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga maiikling damit o ‘yung mga damit na daringrevealing.
Pano malalaman ang pagtiyansing?
  • Kung uneasy na ang pakiramdam ng paghawak sa iyo. (May kasama nang paghimas sa braso, iba na ang hawak ng kamay, may kasama nang pagnanasa)
  • Kung may nararamdaman kang kamay sa iyong puwitan, baiwang, hita, dibdib at sa maselang bahagi ng iyong katawan. (Kapag nasa pampublikong lugar/sasakyan)
  • Kung may sumisiksik sa’yo kahit may kaluwagan naman ang ibang pwesto.
  • Kung may nararamdaman kang gumagalaw na kamay/daliri sa kahit anong parte ng iyong katawan.
  • Kung ang akbay sa iyo ay pababa na ng baiwang.
  • Kung medyo madikit na ang yakap sa iyo.
  • Kung may kumikiskis na kung anuman sa iyong dibdib, hita, puwitan.
  • Kung may dumidikit sa iyong puwitan o hita.
  • Kung may napahawak sa kung anumang parte ng katawan mo at matagal niya itong pinanatili bago tanggalin.
Pano ba maiiwasan ang pagtiyansing?
  • Huwag makipagsiksikan.
  • Umiwas sa mataong lugar.
  • Huwag sumakay sa mga matataong sasakyan o ‘yung mga sasakyang tayuan na sa sobrang puno.
  • Iwasang mag suot ng damit na maiiksi/malaswa/nagpapakita ng sobrang balat.
  • Maging mapagmasid.
  • Maging aware sa paligid.
  • Iwasang tumabi sa mga taong kahinahinala.
  • Iwasang makipagsiksikan sa mga kalalakihan.
  • Kung mayroon kang dala, gamitin ito na pangharang o pantakip.
Anong gagawin kapag nararamdaman mong ika’y natiyansingan?
  • Lumayo.
  • Komprontahin ang tao.
  • Ipahiya ito.
  • At kung maari, saktan/ipahiya ito.
Ngayon, hindi na mawawala ang mga pangyayaring ganito, ngunit ITO’Y PWEDENG IWASAN. Hindi naman magkakaroon ng ganong mga tao o gawain kung wala ring pasimuno o temptasiyon upang gawin ito hindi ba? 
Palaging tandaan, maging mapagmasid, maingat at aware sa iyong paligid at matutong makiramdam. 

ANTUKIN KA BA SA KLASE? CLASSROOM SURVIVAL 101

Ilang tulog na lamang ay muli nanaman tayong babalik sa ating mga classroom. Uupo nanaman sa mga armchair ng ilang oras at makikinig sa pagtatalakay ng guro. 
Kadalasan, tayong mga mag-aaral ay napapagalitan ng ating guro. Iba’t iba ang dahilan. Isa sa mga dahilan ay ang pagiging antukin o pagtulog sa loob ng klase. Kadalsan napapahiya o napapagalitan ang isang estudyante kapag nahuhuli ng guro na natutulog o di kaya’y patulog na habang siya ay nagkaklase. Magbibigay ako ng ilang tips upang ikaw ay magsurvive sa klase ng hindi nakakatulog.
Bago ang tips, tignan muna natin kung anu-ano ba ang dahilan kung bakit inaantok o nakakatulog ang isang estudyante sa loob ng classroom.
BAKIT BA TAYO INAANTOK SA KLASE?
  1. Kulang sa tulog - Hindi natin maiiwasan ang magpuyat lalong lalo na at mayroon tayong internet, cellphone at mga game consoles. Kaya nagiging isa ito sa mga factors na nakakaapekto sa performance ng isang estudyante sa loob ng klase.
  2. Kabusugan - Alam naman nating masarap matulog kapag busog hindi ba? Dahil nakararamdam tayo ng antok pag bagong kain. Kaya kadalasan nakakatulog tayo sa loob ng klase.
  3. Malamig - Kapag malamig hindi ba’t  komportable ang ating pakiramdam at kadalasan narerelax tayo? Kaya hindi natin naiiwasang mapatungo at ienjoy ang lamig ng classroom hanggang sa makatulog tayo.
  4. Boring si teacher - Aminin na natin. Kadalasan ang mga guro ay sadyang boring. Minsan dahil sa sobrang boring nila, inaantok tayo at kinatutulugan natin sila.
  5. Madilim sa classroom - Isang dahilan kung bakit tayo nakakatulog sa classroom ay dahil sa mga film viewing diba? Pagkakataon na kasi natin ito makagawa ng kahit ano dahil sa madilim at hindi tayo agad mapapansin ng iba pati ng guro.
  6. Pagod - Kadalasan ito kapag tayo after natin magkulit sa loob ng klase o kaya’y matapos ng PE, magakyat baba o magpalakad lakad sa school. Kaya masarap maupo, tumungo hanggang sa makatulog na.
  7. Stressed - Sa sobrang dami na ng ating mga iniisip tayo’y nastress na at gusto natin ng kaunting peace of mind kaya tayo’y pumipikit o kaya’y tumutungo na kadalasan ay natutuloy na sa pagtulog.
  8. Mainit - Hindi lang naman lamig ang dahilan kung ba’t tayo inaantok. Minsan rin init. Dahil sa sobrang nakakatamad kumilos, gusto na lang nating matulog kapag mainit ang panahon.
PAANO BA MAIIWASAN ANG PAGIGING ANTUKIN/PAGTULOG SA KLASE?
  1. Matulog ng maaga sa gabi - Oo, ‘yan ang best way upang malabanan ang antok mo. Matulog ka ng maaga sa gabi upang sapat ang tulog mo kinaumagahan.
  2. Iwasang kumain ng marami - Alam naman nating masarap kumain, ngunit limitahan natin ito sa paaralan. Sapat na ang malamanan ang tiyan, huwag nang maging matakaw at kailangan pang mabusog.
  3. Umiwas sa lamig - Kapag malamig na ang classroom, maari mong ipataas o itaas ang blinds ng aircon o kaya’y magbaon lagi ng jacket at ang pinakamagandang paraan ay pahinaan ang temperature ng aircon.
  4. Libangin ang sarili - Kung talagang boring ang teacher, subukan mo na lang magdoodle, magdrawing o kaya’y magtake notes upang hindi makatulog.
  5. Pag nakakaramdam ng antok, maghilamos  - Kailangan mong mahimasmasan at mawala ang antok mo, maghilamos ka ng malamig na tubig at siguradong gising ang iyong diwa.
  6. Mag candy - Upang hindi ka antukin at kahit papaano ay mayroon kang ginagawa.
  7. Matutong magrelax - Huwag masyadong mag-isip upang hindi mastress at uminom na rin ng mga bitaminang maaring makapagpatulong sa’yo umiwas sa stress.
Maari mong sundin ang mga tips na iyan ngunit ang pinakamahalaga pa rin ay ang makinig sa guro. Wag mong ilibang ang sarili mo sa ibang bagay at maari ka talagang mabore. Makinig ka at magbigay ka ng interes sa iyong guro. Hindi lang iyan makakalaban sa antok, gaganda pa ang mga grades mo.

This long distance is killing me...

Long Distance relationships. Isa sa mga pinakamahirap at masakit na uri ng relasyon na maaring dumating sa isang magkasintahan. Ito ang uri ng relasyon na talagangnailalagay sa matinding pagsubok ang pagmamahalan, tiwala at loyalty ng magkasintahan. Kadalasan hindi tumatagal ang mga ganitong uri ng relasyon sapagkat napakaraming hadlang rito. Unang una na ang distansya. Ngunit, sa kabila ng lahat nito, mayroon ding tumatagal at di mo aasahang magkakatuluyan.
Paano ba nagkakakilala ang mga taong nasa LDR?
Kadalasan nag kakakilala ang mga magkasintayang LDR kung saan nagkakalapit ang lahat ng mga magkakalayo - Internet, Text, Social Networking Sites. Minsan rin ay dahil nadayo ang isang tao sa ibang lugar at doon nakatagpo ng pag-ibig.
Bakit ba mahirap ang Long Distance Relationship?
Mahirap pumasok sa isang relasyong hindi pa kayo nagkikita o nagkasama man lang sa personal at ang tanging means lang ng inyong “bonding” at communication ay text, tawag, chat at internet. Alam naman natin na isa sa pinakamahalagang pangangailangan sa isang relasyon ay ang communication.Mawala lamang ‘yan, kahit sa hindi LDR, ay maaring magkaroon na agad ng gap ang isa’t isa. Maaring hindi lamang makasagot ng isa o dalawang araw, kadalasa’y nangangamba na ng isa sa kanilang magkasintahan. Isa lamang ito sa mga pagsubok na pinapasok ng isang magkasintahang nasa LDR. 
Anu-ano ba ang mga maaring pagsubok ng isang magkasintahang pumasok sa isang Long Distance Relationship?
  • Distance - Sa lahat ito ang pinakamain na pagsubok. Dahil hindi nga kayo nagkakasama o nagkita man lang. 
  • Communication - Dahil nga sa minsan nagkakataong busy ang isa, maaring nagkakaroon ng gap sa pagitan ng kanilang relasyon, kumpara sa magkalapit na magkasintahan na maaring puntahan lamang kapag may problema.
  • Trust - Ito ang kailangan talaga sa isang relasyon whether LDR or not. Sa isang LDR nasusubok ang tunay na ibig sabihin ng Tiwala. Dahil sa kayo’y magkalayo, hindi mo nasusubaybayan o nababantayan ang iyong kasintahan.
  • Loyalty - Minsan kasi, may dumarating na mga tao na hindi inaasahan at maari ding kahulugan ng loob lalo na kapag mas malapit at napalapit ito sa’yo. 
  • Excitement - Ito ‘yung isa sa mga hirap na nararanasan ng magkasintahang nasa LDR, lalong lalo na kapag sila’y naglalambingan. Sabik na sila kasing makita, makasama at mahagkan ang kanilang kasintahan. Andito ‘yung nakararamdam ka ng matinding pangungulila dahil wala siya sa tabi mo at kadalasang yakap mo na lamang ang iyong unan habang siya’y kausap, katext o kachat mo.
  • Problems and misunderstanding - Dito kadalasan talaga nahihirapan ang magkasintahang LDR. Dahil gustohin mo mang hagkan, halikan, at punasan ang luha, hindi mo magawa dahil sa inyong distansiya sa isa’t isa. Tandaan. Mahirap manuyo sa pamamagitan ng text o tawag.
Ano ba ang maaring gawin upang tumagal ang isang Long Distance relationship?
Tanging Diyos lamang ang makapagsasabi kung hanggang saan ang itatagal ng isang relasyon at kung sila ba talaga ay para sa isa’t isa, mapa LDR man yan o hindi.
Ngunit, maaring subukan ang mga sumusunod upang mapagtibay ang relasyon ng isang Long Distance Relationship:
  • Understanding - Hindi lamang isang side ito dapat. Dapat ay maintindihan niyo na may kanya-kanya rin kayong buhay at sana’y maintindihan ang kalagayan ng isa’t isa.
  • Time - Bigyan niyo ang isa’t isa ng oras. Kahit busy, kahit papaano ay tumigil sandali at itext o tawagan panandalian ang iyong kasintahan upang maiupdate mo ang iyong kalagayan at nang macheck mo rin ang kalagayan niya. Maari rin kayong magset ng isang araw na kayong dalawa lamang ang magkatext o magkachat o magkausap sa telepono. Magsilbi na itong date ninyo pansamantala.
  • Kung hindi naman bansa o probinsiya ang layo ng inyong distansiya, subukang dumayo - Kahit man lang sa selebrasyon ng inyong monthsary ay dumayo ka at magkita kayo.
  • Umiwas sa temptasiyon - Maraming maaring mangakit o makapangakit sa’yo lalo na kapag ito’y malapit lamang sa iyo. Ngunit isipin mong masisira ang tiwala ng iyong kasintahan at masasaktan mo siya kung ika’y bumigay sa temptasyon.
Mahirap ang Long Distance Relationship ngunit kung alam mo at mapaghahandaan mo ang mga kapalit nitong pagsubok, maari mong malampasan ito. Tandaan rin na ilagay sa pagitan ng relasyon ang Diyos upang kayo’y lalong magmahalan
Tandaan. Distance is nothing but a number. Love endures all things.
Goodluck at Godbless sa mga pumasok sa Long Distance Relationship.

COLLEGE 101

Kung ngayon ay incoming freshman ka, marami kang dapat paghandaan dahil ang college ay iba sa highschool. Maaring ang mga gagawin mo ay ikabubuti o ikasisira ng buhay at kinabukasan mo.
Heto ang mga dapat mong paghandaan sa pagpasok mo sa kolehiyo:
  • Being alone on the first day - Dahil nga first day, para kayong mga new students lahat at hindi magkakakilala. Di tulad ng HS, may mga kakilala ka na agad. Ang tip ko ay mabuting makipagkilala ka na sa mga kapwa mo magaaral sa bawat klaseng papasukan mo.
  • Friends - Dapat ay pumili ka ng tamang barkadang sasamahan mo. Maari kasing sila ay B.I. o Bad Influence at maaring makasira sa iyong pag-aaral.
  • Long walks - Maghanda kang mapagod ang iyong mga paa dahil sa  kakalakad. Hindi kasi tulad ng HS na ang titser ang palipat lipat ng room. Dito sa kolehiyo kayo ang lilipat ng room at minsan, buildings pa.
  • Stress - Ang number one kalaban ng mga mag-aaral. Mas matindi ang stress kapag ikaw ay college dahil expect ‘yung mga tambak na homework at mga quizzes na ibabato sa iyo ng mga prof. Kapag di mo naaccomplish, CINCO.
  • Puyat at Pagod - Expect na kukulangin ka sa tulog sa pag gawa ng mga requirements at pagod sa pag-aaral at pagcommute.
  • Use a back pack -  Para mas madaling dalhin ang mga gamit mo.
  • Professors - Maghanda ka sa mga ugali ng prof mo. Kadalasan kasi may mga strikto sa umpisa ngunit hindi pala. Mayroon namang maluwag sa umpisa, at kapag umabuso ka, madali palang uminit ang ulo. And do not expect them din na ikaw ay lalapitan pag may problema ka sa grade mo. Ikaw ang dapat humabol sa kanila hindi sila.
  • Pop quiz/Pre lecture quiz - May mga propesor na nagbibigay ng mga pagsusulit bago magsimula ang klase o kadalasan sa kalagitnaan ng klase. Matutong mag advanced reading at makinig ng maiigi sa klase upang hindi bumagsak sa mga di inaasahang pagsusulit.
  • Notes - Minsan kasi ang mga prof ay nagtuturo ng hindi galing sa libro niyo. Marami kasi silang kinukuhanang sources at kadalasan pang kasama sa exams. Kaya matutong mag take down ng notes. Laging gawing paoutline upang mabilis.
  • Long class hours - Since hindi naman bawal ang kumain o uminom sa klase, magdala kayo ng kape o kahit anong pampagising dahil sa kolehiyo may mga klase na tumatagal ng hanggang 5 hours sa loob ng classroom at wala pang break.
  • Long vacant hours - Siyempre mayroon din namang mahahabang breaks na hindi tulad ng HS na 30-45 mins lang. Sa kolehiyo humihigit pa ng 3 hours ang break kaya mabuti pang gamitin ang oras na ito sa pag advance reading at pag gawa ng mga requirements para sa susunod na klase imbis na mag gala.
  • The use of the library - Sa kolehiyo di ka maaring umasa lamang sa internet. Matututo kang bumuklat ng mga libro at humiram sa library. Research talaga ang kailangan ng mga ibang professor sa kolehiyo kaya matututo ka mag basa kung hindi ka palabasa.
  • Failure - Hindi ito tulad ng HS na kapag ikaw ay bumagsak, maari mo pang bawiin next quarter. Dito, kapag bumagsak ka ng isang sem, uulitin mo nanaman ito sa summer o sa second sem. At kung marami ang iyong ibinagsak, umulit ka na lamang o magshift ng kurso. Ngunit maiiwasan mo naman ito kung ikaw ay mag-aaral ng maiigi.
‘Yan ang ilan sa mga kailangan mong paghandaan kung ikaw ay papasok bilang isang freshman sa college. Dapat rin ay seryosohin mo na ito dahil dito nakasalalay ang kinabukasan mo at ang magiging trabaho mo pag ikaw ay grumaduate na.
Incoming Freshmen, goodluck and God bless.

GM

Ngayong henerasyon ay usong uso ang mga cellphone at siyempre, ang pagtetext. Isa sa mga kadalasang ginagawa sa pagtetext ay ‘yung tinatawag na GM or Group Message. Ito ‘yung malawakang pagtext ng iisang mensahe sa 2 o higit pang contacts. Kadalasan ito ang mga kinaiinisan ng mga tao, dahil kadalasan ay wala naman silang pakialam dun sa GM nung sender.
Iba’t ibang uri ng GM:
  • Quotes - Ang GM na sisimulan ng isang quote o kasabihan na kadalasang gasgas na gasgas na o minsan naman ay patama.
  • Song Lyrics - Uri ng GM na sinesend ng mga taong na LSS sa kantang pinakinggan o lyrics ng kantang natamaan sila.
  • Jokes - Uri ng GM na text jokes ang laman. Kadalasan dito ay mga quote parodies, situational jokes (pedro and juan), at knock knock jokes.
  • Simpleng bati - GM na simple lang. Isang simpleng Good morning/afternoon/evening/night.
  • Special mention - Uri ng GM na may kasamang pagmention ng mga katext. 
  • Plug - Uri ng GM na parang binubugaw ang isang tao.
  • Chain texts - “Mamamatay” ka daw kapag hindi mo ito pinasa sa 15 people sa contacts mo.
  • Twitter/Diary - Ang pinaka kinaiinisan na GM ng mga tao. Ito yung mga minuminuto pumapasok. Akala mo ay isa kang diary o ginagawa kang twitter. Kadalasan ay dinedelete ito agad pag pasok pa lang sa inbox.

Alin diyan ang mga sinesend mo?