Linggo, Hunyo 26, 2011

PAMBANSANG INIDORO

Naihambing ko na sa sarili ko ang inidoro sapagkat ang inidoro nga daw ay "labasan ng sama ng loob" Napakarami ko nang kwentong narinig. Simula sa heart breaks hanggang sa pamilya. Halos lahat nabigyan ko ng advice. Ang iba, dinamayan ko na lamang at binigyan ng comfort. Natural na ata sa akin ang pagtulong sa iba. Ang sarap kasi sa pakiramdam kapag ako'y nasabihan ng "Salamat ha? :)" o "Nakatulong ka. :)" Lalong lalo na kapag siya'y napasaya mo.

Ngunit tulad din ng isang inidoro, may times na kapag nagflush ka, ay bumabara ang iba. Minsan kasi ay nadadala rin ako ng mga problema nila at naapektuhan rin ako emotionally. Minsan, nadedepress o nadodown ako ng walang dahilan. Ito ata 'yung moment na kapag nagclog na ang inidoro.

Ngunit, hindi ko parin titigilan ang maging inidoro. Masarap kasi ang pakiramdam kapag nakatutulong ako kahit sa munti kong paraan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento