Martes, Hunyo 28, 2011

COLLEGE 101

Kung ngayon ay incoming freshman ka, marami kang dapat paghandaan dahil ang college ay iba sa highschool. Maaring ang mga gagawin mo ay ikabubuti o ikasisira ng buhay at kinabukasan mo.
Heto ang mga dapat mong paghandaan sa pagpasok mo sa kolehiyo:
  • Being alone on the first day - Dahil nga first day, para kayong mga new students lahat at hindi magkakakilala. Di tulad ng HS, may mga kakilala ka na agad. Ang tip ko ay mabuting makipagkilala ka na sa mga kapwa mo magaaral sa bawat klaseng papasukan mo.
  • Friends - Dapat ay pumili ka ng tamang barkadang sasamahan mo. Maari kasing sila ay B.I. o Bad Influence at maaring makasira sa iyong pag-aaral.
  • Long walks - Maghanda kang mapagod ang iyong mga paa dahil sa  kakalakad. Hindi kasi tulad ng HS na ang titser ang palipat lipat ng room. Dito sa kolehiyo kayo ang lilipat ng room at minsan, buildings pa.
  • Stress - Ang number one kalaban ng mga mag-aaral. Mas matindi ang stress kapag ikaw ay college dahil expect ‘yung mga tambak na homework at mga quizzes na ibabato sa iyo ng mga prof. Kapag di mo naaccomplish, CINCO.
  • Puyat at Pagod - Expect na kukulangin ka sa tulog sa pag gawa ng mga requirements at pagod sa pag-aaral at pagcommute.
  • Use a back pack -  Para mas madaling dalhin ang mga gamit mo.
  • Professors - Maghanda ka sa mga ugali ng prof mo. Kadalasan kasi may mga strikto sa umpisa ngunit hindi pala. Mayroon namang maluwag sa umpisa, at kapag umabuso ka, madali palang uminit ang ulo. And do not expect them din na ikaw ay lalapitan pag may problema ka sa grade mo. Ikaw ang dapat humabol sa kanila hindi sila.
  • Pop quiz/Pre lecture quiz - May mga propesor na nagbibigay ng mga pagsusulit bago magsimula ang klase o kadalasan sa kalagitnaan ng klase. Matutong mag advanced reading at makinig ng maiigi sa klase upang hindi bumagsak sa mga di inaasahang pagsusulit.
  • Notes - Minsan kasi ang mga prof ay nagtuturo ng hindi galing sa libro niyo. Marami kasi silang kinukuhanang sources at kadalasan pang kasama sa exams. Kaya matutong mag take down ng notes. Laging gawing paoutline upang mabilis.
  • Long class hours - Since hindi naman bawal ang kumain o uminom sa klase, magdala kayo ng kape o kahit anong pampagising dahil sa kolehiyo may mga klase na tumatagal ng hanggang 5 hours sa loob ng classroom at wala pang break.
  • Long vacant hours - Siyempre mayroon din namang mahahabang breaks na hindi tulad ng HS na 30-45 mins lang. Sa kolehiyo humihigit pa ng 3 hours ang break kaya mabuti pang gamitin ang oras na ito sa pag advance reading at pag gawa ng mga requirements para sa susunod na klase imbis na mag gala.
  • The use of the library - Sa kolehiyo di ka maaring umasa lamang sa internet. Matututo kang bumuklat ng mga libro at humiram sa library. Research talaga ang kailangan ng mga ibang professor sa kolehiyo kaya matututo ka mag basa kung hindi ka palabasa.
  • Failure - Hindi ito tulad ng HS na kapag ikaw ay bumagsak, maari mo pang bawiin next quarter. Dito, kapag bumagsak ka ng isang sem, uulitin mo nanaman ito sa summer o sa second sem. At kung marami ang iyong ibinagsak, umulit ka na lamang o magshift ng kurso. Ngunit maiiwasan mo naman ito kung ikaw ay mag-aaral ng maiigi.
‘Yan ang ilan sa mga kailangan mong paghandaan kung ikaw ay papasok bilang isang freshman sa college. Dapat rin ay seryosohin mo na ito dahil dito nakasalalay ang kinabukasan mo at ang magiging trabaho mo pag ikaw ay grumaduate na.
Incoming Freshmen, goodluck and God bless.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento