Sabado, Hunyo 25, 2011
DOODLE.
Ang larawang ito ay isa sa mga uri ng sining na tinatawag na doodle art. Ito ay ginawa ko para sa isang kaibigan.
Ang pagdodoodle ay simpleng pag guhit ng kung anu-anong mga bagay na produkto ng iyong imahinasiyon. Maari itong pasalita o pa-characters. Iba't iba ang style ng mga nagdodoodle. Ang iba, lumilikha ng iba't ibang nilalang. Ang iba, gumuguhit lamang ng mga simpleng pigura at kung anu-ano pang hugis. Ang iba naman, simpleng pagpuno ng papel sa pamamagitan ng sulat.
Matagal na rin na hindi ako nakakapagdoodle ng matino. Hindi na ata masyadong malawak ang aking imahinasyon at kulang na ako sa inspirasyon. Namimiss ko nang gumawa ng sining na tulad nito. Gumuguhit din ako ngunit, kadalasan nandito ako ngayon sa harapan ng aking laptop at nagiinternet. Kung hindi naman, ay kulang sa oras.
Siguro ay baka bawas bawasan ko na muna ang aking pagbababad sa harapan ng computer at sanayin muli ang aking mga kamay sa pag guhit at ang aking imahinasyon sa pag-isip ng mga bagong elemento ng aking doodles. Mayroon pa naman akong mga pending na gagawing doodles sa aking mga kaibigan at tagasubaybay. Ngunit kahit marami ito e, naeenjoy ko rin naman dahil nababanat ang aking imahinasyon at lalo itong lumalawak. Siguro nga e, kailangan kong magsimula muling magdoodle nang ako'y mainspire muli at mabuhay nanaman ang aking wagas na imahinasyon.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento