Ito ay isa sa mga sikat na kataga ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, at maari din natin itong narinig sa ating mga magulang. Ngunit naniniwala ba kayo sa kasabihang ito? Ako? Hindi. Bakit?
Dahil ‘yang katagang iyan ay hindi lang naman para sa ating mga kabataan ngayon. Itong kasabihan na ito ay naipasa na lamang ng naipasa sa bawat henerasyon. Sa tingin niyo, bakit kaya nasasabi ito sa atin ng ating mga magulang? Kasi, kadalasan ‘yan din ang sinabi ng kanilang mga magulang sa kanila nung sila’y bata pa. Kumbaga itong kasabihang ito ay wagas - walang katapusan. Balang-araw masasabi niyo rin iyan sa mga magiging anak niyo. Hanggang ito rin ay sabihin nila sa kanilang magiging anak.
“Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.”
Bakit, sa ating kabataan lang ba dapat iasa ang kaunlaran ng Pilipinas? Paano na ang ating mga magulang? Porke’t ba hindi na sila bata ay hindi na sila maaring makatulong sa ikauunlad ng bansa? Kailangan ba bata lamang ang maaring maging dahilan upang umunlad ang Pilipinas? Hindi ba’t mali? Hanggang tayo ay malakas at maari pang kumilos, tayo ay maaring makatulog sa pag-unlad ng Pilipinas. Tayong lahat, bata man o matanda, lalaki o babae, ay ang pag-asa ng Pilipinas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento