Ngayon ang tinatawag na “techie era” kung saan usong uso ang mga makabagong teknolohiya. Isa dito ay ang internet. Sa lawak at laki nito, marami kang maaring madiskubre, malaman at makilala. Oo, marami kang makikilala sa internet at maari mo silang matawag na “Online Friends”
Ang online friendship ay nabubuo sa pamamagitan ng internet through social networking sites, chatrooms or blogs. Ang iba’y maaring malayo, at ang iba ay maaring kapitbahay mo lamang pala. Sa internet kasi nagbubuklod ang buong mundo at nagkakalapit. Sa pamamagitan ng chatrooms o ng social networking sites, nagkakaroon ng communication ang bawa’t isa kahit gaano pa sila kalayo. Sa simpleng pag-add, comment, instant message, “follow” o “ask”, maari kang makakilala ng panibagong kaibigan o minsan, barkada.
Ngunit, hindi lahat ng nasa internet ay tinatawag na “friendly” mayroon ding mga plastik, linta at haters. Napakaraming ganito sa internet. Lalong lalo na sa facebook isang kilalang social networking site.
Ang pakikipagkilala online ay maari mo ring ikapahamak. Tulad na lamang ng mga nababalitang naloloko o narerape dahil nakipagkita siya sa kanyang “online friend”. Ngunit, kadalasan ito’y nangyayari lamang sa mga tao na nakikipag kilala through chatrooms.
May mabuting naidudulot din naman ang pakikipagkaibigan online. Kadalasan nga dito pa nakakatagpo ng mga tunay na kaibigan na hindi mo makikita sa iyong mga kaibigan sa personal. Kadalasan pa nga dito ka rin nakakahanap ng pag-ibig. Kaya nagkakaroon ng mga tinatawag na Long Distance Relationships.
Dapat na lamang siguro ay mag-ingat na lang tayo sa pakikipagkaibigan online. Tulad ng pagkikipagkaibigan in real life, learn to choose your friends at mag-ingat sa iyong lalapitan. Ang internet din naman ay parang tunay na buhay. Magkakalayo nga lamang kayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento