Martes, Hunyo 28, 2011

"As if naman may magkakagusto sa akin."

Ang walang katapusang bukambibig ng mga kababaihan na sa kanilang paningin ay hindi sila kagandahan o not worthy enough na magustuhan ng isang tao. Isang malaking pagkakamali kung ako'y tatanungin.


Kung iniisip niyong imposible ang mayroong magkagusto sa inyo, maari niyo nang bigyan ng isang malutong na sampal ang inyong mga sarili. Masyado na kayong insecure sa mga sarili niyo. You think that you're not pretty enough, you're not skinny enough, you're not smart enough. You think you're not perfect. Well, truth is you are not perfect. Nobody's perfect. Maaring gasgas na ang linyang ito ngunit katotohanan. Lahat ng mga tao may flaws. Lahat may imperfections. And those imperfections make you human. It makes you real.


Mayroon at mayroon pa ring magkakagusto sa inyo. Unless hindi mo siya tanggap na may gusto siya sa'yo. Kadalasan kasi people expect too much. Iniisip na ang magkakagusto sa kanya, e 'yung gusto rin niya or basta someone good-looking oralmost perfect. Why not give chance to those who appreciate you right? Instead na pagpilitan mo sarili mo doon sa wala namang appreciation sa'yo. Why not give others a chance? Isa nanamang gasgas na linya ngunit totoo.


At ang crush din naman hindi lamang sa panglabas na anyo. Maaring maimpress mo ang isang tao through your intellect or talents. Imposible namang wala kang talento dahil everyone is good at something. Maaring hindi ka nga marunong mag draw o kung anuman ngunit marunong ka pala sumulat o magluto. Maari mong isipin wala kang talento ngunit, hindi naman 'yan natutunan. Nadidiscover ito. O kaya'y hindi mo lamang napapansin ngunit nageexcel ka na sa isang bagay na hindi kaya ng iba. Hindi mo namamalayan na mayroon na palang humahanga sa iyo.


Hindi porque't hindi ka gusto ng gusto mo ay ibig sabihin ayaw ka na ng lahat. Maaring mayroon palang isang tao na humahanga sa'yo sa malayo tulad ng paghanga mo sa iyong crush.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento