Martes, Hunyo 28, 2011

TORPE

Isang ugali ng mga lalaking o minsan babae kung saan nahihiya silang magexpress o kulang sa self-confidence o courage na makipagsocialize sa iba. Hindi lang ito naapply sa pangliligaw.
Bakit ba natotorpe ang isang tao?
  • Hindi sanay makipagsocialize - Maaring maging torpe ang isang tao dahil hindi siya sanay makipagcommunicate or makipagusap na lamang sa random strangers. Hindi kasi sila ‘yung tipong pala lapit sa mga tao.
  • Fear of rejection - Natotorpe ang isang tao dahil sa takot siyang mareject o masungitan o ma-snob ng isang taong nais niyang lapitan o kausapin. Kaya mas minabuti na lang na manahimik siya kaysa magtangkang lumapit.
  • Low self-esteem/self-confidence - ‘Yung tipong nahihiya kasi feeling niya wala naman siyang say at hindi siya “belong” upang makipagcommunicate o socialize.
  • Takot ma-out of place - Natotorpe ang isang tao sapagkat natatakot siya na maaring hindi siya maka relate o ma-out of place siya at maaring maging left out.
Inaamin ko, ako’y isang torpe. Based on my experience ang aking binigay na examples.
Ngunit, kung tatanggalin mo lahat ‘yan sa isip mo at ikaw ay magttry pa rin, maaring mawala na ang iyong katorpehan at magkakaroon ka na ng lakas ng loob upang iharap ang sarili mo sa iba.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento