Long Distance relationships. Isa sa mga pinakamahirap at masakit na uri ng relasyon na maaring dumating sa isang magkasintahan. Ito ang uri ng relasyon na talagang nailalagay sa matinding pagsubok ang pagmamahalan, tiwala at loyalty ng magkasintahan. Kadalasan hindi tumatagal ang mga ganitong uri ng relasyon sapagkat napakaraming hadlang rito. Unang una na ang distansya. Ngunit, sa kabila ng lahat nito, mayroon ding tumatagal at di mo aasahang magkakatuluyan.
Paano ba nagkakakilala ang mga taong nasa LDR?
Kadalasan nag kakakilala ang mga magkasintayang LDR kung saan nagkakalapit ang lahat ng mga magkakalayo - Internet, Text, Social Networking Sites. Minsan rin ay dahil nadayo ang isang tao sa ibang lugar at doon nakatagpo ng pag-ibig.
Bakit ba mahirap ang Long Distance Relationship?
Mahirap pumasok sa isang relasyong hindi pa kayo nagkikita o nagkasama man lang sa personal at ang tanging means lang ng inyong “bonding” at communication ay text, tawag, chat at internet. Alam naman natin na isa sa pinakamahalagang pangangailangan sa isang relasyon ay ang communication. Mawala lamang ‘yan, kahit sa hindi LDR, ay maaring magkaroon na agad ng gap ang isa’t isa. Maaring hindi lamang makasagot ng isa o dalawang araw, kadalasa’y nangangamba na ng isa sa kanilang magkasintahan. Isa lamang ito sa mga pagsubok na pinapasok ng isang magkasintahang nasa LDR.
Anu-ano ba ang mga maaring pagsubok ng isang magkasintahang pumasok sa isang Long Distance Relationship?
Distance - Sa lahat ito ang pinakamain na pagsubok. Dahil hindi nga kayo nagkakasama o nagkita man lang.
Communication - Dahil nga sa minsan nagkakataong busy ang isa, maaring nagkakaroon ng gap sa pagitan ng kanilang relasyon, kumpara sa magkalapit na magkasintahan na maaring puntahan lamang kapag may problema.
Trust - Ito ang kailangan talaga sa isang relasyon whether LDR or not. Sa isang LDR nasusubok ang tunay na ibig sabihin ng Tiwala. Dahil sa kayo’y magkalayo, hindi mo nasusubaybayan o nababantayan ang iyong kasintahan.
Loyalty - Minsan kasi, may dumarating na mga tao na hindi inaasahan at maari ding kahulugan ng loob lalo na kapag mas malapit at napalapit ito sa’yo.
Excitement - Ito ‘yung isa sa mga hirap na nararanasan ng magkasintahang nasa LDR, lalong lalo na kapag sila’y naglalambingan. Sabik na sila kasing makita, makasama at mahagkan ang kanilang kasintahan. Andito ‘yung nakararamdam ka ng matinding pangungulila dahil wala siya sa tabi mo at kadalasang yakap mo na lamang ang iyong unan habang siya’y kausap, katext o kachat mo.
Problems and misunderstanding - Dito kadalasan talaga nahihirapan ang magkasintahang LDR. Dahil gustohin mo mang hagkan, halikan, at punasan ang luha, hindi mo magawa dahil sa inyong distansiya sa isa’t isa. Tandaan. Mahirap manuyo sa pamamagitan ng text o tawag.
Ano ba ang maaring gawin upang tumagal ang isang Long Distance relationship?
Tanging Diyos lamang ang makapagsasabi kung hanggang saan ang itatagal ng isang relasyon at kung sila ba talaga ay para sa isa’t isa, mapa LDR man yan o hindi.
Ngunit, maaring subukan ang mga sumusunod upang mapagtibay ang relasyon ng isang Long Distance Relationship:
Understanding - Hindi lamang isang side ito dapat. Dapat ay maintindihan niyo na may kanya-kanya rin kayong buhay at sana’y maintindihan ang kalagayan ng isa’t isa.
Time - Bigyan niyo ang isa’t isa ng oras. Kahit busy, kahit papaano ay tumigil sandali at itext o tawagan panandalian ang iyong kasintahan upang maiupdate mo ang iyong kalagayan at nang macheck mo rin ang kalagayan niya. Maari rin kayong magset ng isang araw na kayong dalawa lamang ang magkatext o magkachat o magkausap sa telepono. Magsilbi na itong date ninyo pansamantala.
Kung hindi naman bansa o probinsiya ang layo ng inyong distansiya, subukang dumayo - Kahit man lang sa selebrasyon ng inyong monthsary ay dumayo ka at magkita kayo.
Umiwas sa temptasiyon - Maraming maaring mangakit o makapangakit sa’yo lalo na kapag ito’y malapit lamang sa iyo. Ngunit isipin mong masisira ang tiwala ng iyong kasintahan at masasaktan mo siya kung ika’y bumigay sa temptasyon.
Mahirap ang Long Distance Relationship ngunit kung alam mo at mapaghahandaan mo ang mga kapalit nitong pagsubok, maari mong malampasan ito. Tandaan rin na ilagay sa pagitan ng relasyon ang Diyos upang kayo’y lalong magmahalan
Tandaan. Distance is nothing but a number. Love endures all things.
Goodluck at Godbless sa mga pumasok sa Long Distance Relationship.
New student.
Isa sa mga tanging hilig ng mga mag-aaral tuwing pasukan.
Kadalasan kasi, sa tagal niyo nang magkakaklase, hindi maiiwasang magsawa na rin sa pagmumukha ng isa’t isa. Madalas naghahanap din ng bagong mukha.
Madalas sila pa ang nagiging officer dahil nga bago at napagkakatuwaan ng mga lumang estudyante. Kadalasan, kapag mahiyain sa umpisa ang mga newbies. Wala pa kasi silang gaano kakilala. Ngunit kapag naging parte na ng klase, lumalabas na rin ang tunay na kulay at minsan napapahalo na rin sa barkada ng mga lumang estudyante.
Kadalasan ang hinihilig ng mga mag-aaral ay yung mga gwapo/magagandang new students. Para nga naman may bago nanamang mga crush o inspirations. Kadalasan pa ay inilolove team pa sila. Kadalasan rin ay sila pa ang mga nagiging bf/gf ng mga old students. Nakakasawa nga naman kung sila sila rin diba? Chos.
Anyway, kung mayroong kayong mga bagong kaklase ngayong taon, treat then right and always be friendly kahit ano pang hitsura niyan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento