Martes, Hunyo 28, 2011

TV Networks: Talent Business

Kalat na kalat ang balita ng pagkapanalo ng isang mapalad na contestant na si Marcelito sa Pilipinas Got Talent, ang talent show na franchise ng ABS-CBN. Siya'y nanalo pa ng malaking halaga ng pera. Ngunit, bakit ba talaga sila naghahanap ng mga ganitong tao at gumagastos pa ng napakalaking halaga?


Business.


Ito ang sagot katanungang ito. Dahil kung tutuusin, ang mga ginagastos nila ay maliit lamang kumpara sa mga kinikita nila tuwing sila'y nageere ng show, at kapag nagagamit na nila ang kinuha nilang talent.


Maaring sinasabi nila na upang makatulong sa mga tao sa pagdidiskubre sa mga talento o kaya'y makatulog upang maiangat sa kahirapan ang isang tao, maari rin naman na katotohanan ito ngunit nakakabit pa rin ang negosyo at pagkakakitaan ng network.
Kaya kung ang iba'y iniisip na kaya'y kadalasan ay singers at artista ang ginagawan ng search ay huwag nang magtaka. Ito kasi ang paraan nila upang makahanap ng bagong pagkakakitaan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento