Ngayong henerasyon ay usong uso ang mga cellphone at siyempre, ang pagtetext. Isa sa mga kadalasang ginagawa sa pagtetext ay ‘yung tinatawag na GM or Group Message. Ito ‘yung malawakang pagtext ng iisang mensahe sa 2 o higit pang contacts. Kadalasan ito ang mga kinaiinisan ng mga tao, dahil kadalasan ay wala naman silang pakialam dun sa GM nung sender.
Iba’t ibang uri ng GM:
- Quotes - Ang GM na sisimulan ng isang quote o kasabihan na kadalasang gasgas na gasgas na o minsan naman ay patama.
- Song Lyrics - Uri ng GM na sinesend ng mga taong na LSS sa kantang pinakinggan o lyrics ng kantang natamaan sila.
- Jokes - Uri ng GM na text jokes ang laman. Kadalasan dito ay mga quote parodies, situational jokes (pedro and juan), at knock knock jokes.
- Simpleng bati - GM na simple lang. Isang simpleng Good morning/afternoon/evening/night.
- Special mention - Uri ng GM na may kasamang pagmention ng mga katext.
- Plug - Uri ng GM na parang binubugaw ang isang tao.
- Chain texts - “Mamamatay” ka daw kapag hindi mo ito pinasa sa 15 people sa contacts mo.
- Twitter/Diary - Ang pinaka kinaiinisan na GM ng mga tao. Ito yung mga minuminuto pumapasok. Akala mo ay isa kang diary o ginagawa kang twitter. Kadalasan ay dinedelete ito agad pag pasok pa lang sa inbox.
Alin diyan ang mga sinesend mo?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento