Lunes, Hunyo 27, 2011

LIAR, LIAR PANTS ON FIRE.

Natural na sa tao ang magsinungaling. Ito ang kanilang defense mechanism sa halos lahat ng problema. Ito ang kanilang escape.

Ngunit, anu-ano ba ang tinatakasan kapag nagsisinungaling?

  1. Katotohanan - Nagsisinungaling ang isang tao upang maitago ang katotohanan. Mayroon kasing mga katotohanan na maaring ikasira niya o ng iba.
  2. Makasakit ng kapwa - Maaring dahilan din ng pagsisinungaling ay upang makaiwas na makasakit ng kapwa. Kadalasan ito'y nangyayari sa mga magkaibigan, pamilya o sa nagmamahalan.
  3. Realidad ng buhay - Isa pang dahilan ay upang makatakas ang isang tao sa realidad ng kanyang buhay at gumagawa na lamang ng mga kasinungalingan na ipinagmamalaki niya sa ibang tao.
  4. Iwas sa kapahamakan - Isa pang dahilan ay upang makaligtas sa kapahamakan. Upang hindi mailagay ang sarili sa gulo.
Ngunit, kung iisipin natin, maaring makaligtas tayo ngunit panandalian lamang. Ito'y lalaki lang nang lalaki at sa huli ay maari mo pang ikapahamak. Isa pa. Ang pagsisinungaling ay kasalanan. Maaring walang "Thou shalt not lie" sa ten commandments ngunit meron namang "Thou shalt not steal" ibig sabihin ay huwag magnakaw. Maaring material o hindi. Isa na doon ang pagsisinungaling. Ang pagsisinungalin ay isang uri ng pagnanakaw. Pagnanakaw ng katotohanan. Kaya hangga't maari, iwasan ang pagsisinungaling sapagkat kung ika'y mabubuhay sa kasinungalingan, masasanay ka lamang sa pagnanakaw at pagtakas sa katotohanan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento