Linggo, Hunyo 26, 2011

EX

May iba’t ibang uri ng ugali ang mga mag-ex kapag sila’y nagkahiwalay. Ito ay ang mga sumusunod:

Bitter - Kadalasan sa mga magex ay ganito. Ito ‘yung ugali na lahat ng negatibong nangyari nang sila ay magkasintahan pa ay hindi nakakalimutan at kadalasang nag hohold ng grudge.
Strangers - Ito ‘yung mag-ex na akala mo biglang nagka amnesia nang magkahiwalay. ‘Yung tipong akala mo walang pinagsamahan. Maaring magkaroon ng casual na hi’s and hello’s, ngunit walang matagal na usapan, at baka maungkat ang nakaraan.
Bestfriends - Ang pinakamasaya ngunit pinakarare na mangyari sa mga magex. Dito kasi, nandoon pa rin ang love at closeness ngunit bilang matalik na magkaibigan. Sila ‘yung tipong “sport” at masaya para sa isa’t isa. Madalas pang nauuwi sa asaran tungkol sa nakaraan ngunit lahat ay tinatawanan na lamang.
Suicidal - Ang pinakamasaklap at hindi magandang mangyari sa isang magex. Maaring isa sa kanila ay maging ganito. Ito ‘yung sobrang nasasaktan pa rin at maaring hindi makaget-over at mauuwi sa pagkitil sa sariling buhay. Sa mga ganito, best advice ay wag niyong iiwanan mag-isa.
Patapon - Ito ‘yung mga natutong maglasing, yosi at maaring droga at naging desperado na dahil iniwan. Ito ‘yung mga may dialogue na “TIGNAN MO KUNG ANONG GINAWA MO SA’KIN..” Ngunit kasalanan naman nila talaga.
Rebelde - Ito ‘yung matapos ang isang break-up akala mo kung sino nang siga at nagrerebelde. Madalas ito sa mga babae. Sila ‘yung mga tipong magpapagupit na ng sobrang iksi para complete ang “bad girl look” nila.
Gantihan - Sila ‘yung mga makikipagbalikan ngunit ganti lamang ang pakay sa’yo. Kumbaga, ipadarama nila sa’yo ang ginawa mo sa kanila noon.
Biglang paramdam - ‘Yung antagal tagal mawawala sabay bigla ka na lang makakatanggap ng isang text mula sa isang unknown number na nagsasabing “Uy, kumusta ka na? Miss na kita a.” Sila ‘yung mga nagbabakasakaling makipagbalikan ka pa sa kanya dahil narealize niya sa huli na dapat hindi ka niya iniwan.
Maari namang maiwasan ang ganito kung ikaw ay handa na pumasok sa isang relasyon at kung talagang mahal mo ang iyong kasintahan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento