Hindi ko inaasahan na ito'y kababagsakan ko. Nung medyo kabataan ko, (Mga 13-15) hindi ako masyadong interesado sa pagblog. Noon e nauso lamang ay ang mga social networking sites. (friendster, multiply, facebook, myspace, vampire freaks etc.) 'Yun at ang ilang mga sites na may avatars ang kinahumalingan ko. Ngunit hindi sumagi sa isipan ko ang blogging. Tanda ko pa nung pinagawa kami ng blog bilang isang project nung ako'y nasa 3rd year higschool pa lamang. Hindi ko rin naman ito itinuloy. Ngunit kalagitnaan ng aking ika huling taon sa highschool, nadiskubre ko ang site na tumblr. Doon, nailahad ang aking saloobin at isipan. Ang aking mga opinyon at kahit ang mga kadramahan ko. Nakaramdam ako ng gaan ng loob. Maganda pala ang blogging.
Heto ako ngayon, gumagawa ng panibagong blog. Hindi na ako bago rito. Gumawa na ako noon, hindi ko lang natuunan ng pansin. Heto ako ngayon bumabalik bilang ang pambansanginidoro.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento