Nagsisimula ang balding or ang pagkakalbo kapag ika’y nasa mga middle-age na. Mga 40 pataas. Ito’y kadalasang nangyayari sa kalalakihan.
May iba’t iba akong tawag sa mga taong ganito ang kondisyon. Ito ay ang mga sumusunod:
HIV - ”Hair Is Vanishing” ‘Yung mga taong nagpapakalbo na dahil mas maganda tignan kaysa sa nakakalbo.
Top-gone - Hango ang pangalan sa palabas na Top-gun. Ito yung mga taong wala nang buhok sa tuktok ng kanilang ulo. Example, Prince William. Hahaha.
Shaggy ver. 1 - “Shaggylid ang buhok” ‘Yung mga taong nasa gilid na lang ang natitirang buhok. Madalas tinatakpan ng sumbrero o nagpipiluka.
Shaggy ver. 2 - “Shaggytna wala” Same din ng Shaggy ver. 1 iniba lang ang pwesto ng pagidentify.
Hiram - ‘Yung mga nagpapahaba ng buhok para mahiram ang mahabang buhok upang matakpan ang parteng nakakalbo.
Ngunit maari din naman siyang maiwasan kung aalagaan mo ng maiigi ang sarili mo. Kadalasan na sanhi nito ay bisyo o sa iyong pagkain.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento