Martes, Hunyo 28, 2011

ANTUKIN KA BA SA KLASE? CLASSROOM SURVIVAL 101

Ilang tulog na lamang ay muli nanaman tayong babalik sa ating mga classroom. Uupo nanaman sa mga armchair ng ilang oras at makikinig sa pagtatalakay ng guro. 
Kadalasan, tayong mga mag-aaral ay napapagalitan ng ating guro. Iba’t iba ang dahilan. Isa sa mga dahilan ay ang pagiging antukin o pagtulog sa loob ng klase. Kadalsan napapahiya o napapagalitan ang isang estudyante kapag nahuhuli ng guro na natutulog o di kaya’y patulog na habang siya ay nagkaklase. Magbibigay ako ng ilang tips upang ikaw ay magsurvive sa klase ng hindi nakakatulog.
Bago ang tips, tignan muna natin kung anu-ano ba ang dahilan kung bakit inaantok o nakakatulog ang isang estudyante sa loob ng classroom.
BAKIT BA TAYO INAANTOK SA KLASE?
  1. Kulang sa tulog - Hindi natin maiiwasan ang magpuyat lalong lalo na at mayroon tayong internet, cellphone at mga game consoles. Kaya nagiging isa ito sa mga factors na nakakaapekto sa performance ng isang estudyante sa loob ng klase.
  2. Kabusugan - Alam naman nating masarap matulog kapag busog hindi ba? Dahil nakararamdam tayo ng antok pag bagong kain. Kaya kadalasan nakakatulog tayo sa loob ng klase.
  3. Malamig - Kapag malamig hindi ba’t  komportable ang ating pakiramdam at kadalasan narerelax tayo? Kaya hindi natin naiiwasang mapatungo at ienjoy ang lamig ng classroom hanggang sa makatulog tayo.
  4. Boring si teacher - Aminin na natin. Kadalasan ang mga guro ay sadyang boring. Minsan dahil sa sobrang boring nila, inaantok tayo at kinatutulugan natin sila.
  5. Madilim sa classroom - Isang dahilan kung bakit tayo nakakatulog sa classroom ay dahil sa mga film viewing diba? Pagkakataon na kasi natin ito makagawa ng kahit ano dahil sa madilim at hindi tayo agad mapapansin ng iba pati ng guro.
  6. Pagod - Kadalasan ito kapag tayo after natin magkulit sa loob ng klase o kaya’y matapos ng PE, magakyat baba o magpalakad lakad sa school. Kaya masarap maupo, tumungo hanggang sa makatulog na.
  7. Stressed - Sa sobrang dami na ng ating mga iniisip tayo’y nastress na at gusto natin ng kaunting peace of mind kaya tayo’y pumipikit o kaya’y tumutungo na kadalasan ay natutuloy na sa pagtulog.
  8. Mainit - Hindi lang naman lamig ang dahilan kung ba’t tayo inaantok. Minsan rin init. Dahil sa sobrang nakakatamad kumilos, gusto na lang nating matulog kapag mainit ang panahon.
PAANO BA MAIIWASAN ANG PAGIGING ANTUKIN/PAGTULOG SA KLASE?
  1. Matulog ng maaga sa gabi - Oo, ‘yan ang best way upang malabanan ang antok mo. Matulog ka ng maaga sa gabi upang sapat ang tulog mo kinaumagahan.
  2. Iwasang kumain ng marami - Alam naman nating masarap kumain, ngunit limitahan natin ito sa paaralan. Sapat na ang malamanan ang tiyan, huwag nang maging matakaw at kailangan pang mabusog.
  3. Umiwas sa lamig - Kapag malamig na ang classroom, maari mong ipataas o itaas ang blinds ng aircon o kaya’y magbaon lagi ng jacket at ang pinakamagandang paraan ay pahinaan ang temperature ng aircon.
  4. Libangin ang sarili - Kung talagang boring ang teacher, subukan mo na lang magdoodle, magdrawing o kaya’y magtake notes upang hindi makatulog.
  5. Pag nakakaramdam ng antok, maghilamos  - Kailangan mong mahimasmasan at mawala ang antok mo, maghilamos ka ng malamig na tubig at siguradong gising ang iyong diwa.
  6. Mag candy - Upang hindi ka antukin at kahit papaano ay mayroon kang ginagawa.
  7. Matutong magrelax - Huwag masyadong mag-isip upang hindi mastress at uminom na rin ng mga bitaminang maaring makapagpatulong sa’yo umiwas sa stress.
Maari mong sundin ang mga tips na iyan ngunit ang pinakamahalaga pa rin ay ang makinig sa guro. Wag mong ilibang ang sarili mo sa ibang bagay at maari ka talagang mabore. Makinig ka at magbigay ka ng interes sa iyong guro. Hindi lang iyan makakalaban sa antok, gaganda pa ang mga grades mo.

5 komento:

  1. dun sa part ng bakit tayo inaantok sa klase??
    may napansin ako ehh .. malufet

    ung number 3 at number 8 ... yung totoo san ako lulugar??
    pede nmn din wag kana pumasok pra di kaantukin

    TumugonBurahin
  2. HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAA sabagay sabagay sabagay may point si kuya jason

    TumugonBurahin